Nagkabukingan sina Katrina Halili at Wendell Ramos na may crush pala sila sa isa't isa sa pagsabak nila sa lie detector test.

Ito ang mapapanood sa latest vlog ni Aiko Melendez, kung saan siya ang nang-hot seat sa mga kapwa niya "Prima Donnas" stars at iinom ng shots ang sino mang magsisinungaling.

Unang nakalusot si Katrina sa tanong ni Aiko na "Nu'ng unang makatrabaho mo ba ako, gusto mo ako agad?"

Pero si Wendell, naabutan ng buzzer nang tanungin kung sino kina Lilian (karakter ni Katrina) o Kendra (karakter ni Aiko) ang kaniyang pipiliin.

Sa huli, diretsahan nang tinanong ni Aiko si Wendell kung may crush siya kay Katrina.

"Siyempre wala!" sagot ni Wendell, na pinatunayang mali ng lie detector test.

"At first wala po, nu'ng panahong nasa Starstruck siya. Pero nu'ng tumatagal meron naman na. Hindi niyo naman ako binigyan ng chance na mag-explain," paliwanag ni Wendell.

Ibinalik naman ni Aiko ang tanong kay Katrina: "May crush ka rin ba kay Wendell Ramos?"

"Wala po," mabilis na sagot ni Katrina, pero mali rin ito, ayon sa lie detector test.

Panoorin ang kuwela nilang bukingan. – Jamil Santos/RC, GMA News