Isa nang Kapuso ang aktor na si Khalil Ramos.

Opisyal na pumirma si Khalil ng kontrata sa GMA Network nitong Martes, Oktubre 13.

Pinasalamatan naman ni Khalil ang bago niyang management sa suportang ibinigay nito sa kaniya.

Bukod dito, pinasalamatan din ni Khalil ang kaniyang pamilya, pati na rin ang nobyang si Gabbi Garcia, sa paghikayat sa kaniya na pagbutihin pa ang sarili.

"I'm thankful to God, my family, Gabbi, and my friends for pushing me to always strive to be the best that I can be," saad ni Khalil sa isang mensahe sa GMA.Network.com.

"I'm thankful to GMA for welcoming me and offering me the opportunity to keep telling stories. I'm thankful for the fans who have always supported me from the very start. Salamat po sa inyong lahat!" dagdag pa ng bagong Kapuso actor.

 

 

Matatandaang nakatambalan ni Khalil si Gabbi sa pelikulang "LSS," na nakatanggap ng mga parangal sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Nang magkaroon ng isang milyong subscribers si Gabbi, pinasalamatan niya si Khalil sa pagiging "one-man prod team" nito ng kaniyang vlog.

"People think I have my own prod team for my vlogs, but really, Khalil is my Videographer, Creative Director, Lighting director etc, in short, my one man prod team!!" sabi ni Gabbi.

"U da best 4ever," dagdag ng aktres. – Jamil Santos/RC, GMA News