Dahil sa COVID-19 pandemic, dobleng pag-iingat ang ginagawa ni Sanya Lopez sa muli niyang pagsabak sa trabaho. Kaya naman dinagdagan niya ang mga dinadalang essentials sa taping.

Si Sanya ang napiling humalili kay Marian Rivera bilang leading lady ni Gabby Concepcion sa GMA upcoming primerime series na "First Yaya."

Pero iyan, mapapanood muna si Sanya sa isang madramang episode ng "Tadhana" sa darating na Oktubre 17 kung saan todo pag-iingat din ang sistema ng taping.

Alamin kay Sanya kung ano ang mga "must-bring" ng mga artista sa ilalim ng "new normal." Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News