Para kay Rhian Ramos, mas kumportable siya na inihahayag ang kaniyang totoong sarili sa YouTube, kumpara sa ibang social media platform na tila puro "perfect" ang kaniyang nakikita.

"Mas nagiging personal kasi ang bawat video every time na nagpo-post ako," sabi ni Rhian sa GMA Regional TV Early Edition.

"Kasi 'yung feeling ko sa different kinds of social media, parang every time na nag-scroll ako, ang pe-perfect lagi ng mga nakikita ko," dagdag pa niya.

Kaya naman naisipan ni Rhian na ibahin ang content ng kaniyang YouTube videos, kung saan ipinapakita niya rin ang mga nararanasan niyang challenges sa buhay.

"And ako din, 'yung mga pino-post ko ay 'yung mga perfect moments only. So sa YouTube, doon ko nalalabas 'yung kung ano talaga 'yung totoo."

Matatandaang inanunsyo ni Rhian sa vlog entry niya na "Breakups, Decisions, and Your Assumptions" na naghiwalay na sila ng kaniyang nobyong si Amit Borsok.

Nangyari pa raw ito kasabay ng paglipat niya sa inuupahang condo unit sa Taguig City.

“And somehow, inside of that moving-out period… I went through a breakup,” sabi ni Rhian.

"It was so hard, I really had a hard time, guys...And not just 'cause I was, like, brokenhearted and, like, shattered, but other things in my life were giving me a lot of stress," dagdag pa ng aktres.

Naging tutol din daw ang kaniyang ina noong una sa paglipat niya sa condo, pero kalauna'y sinuportahan din siya.

"I had to move out. Noong una ayaw ng mommy ko, against siya doon. Pero ngayon they're helping me out by helping me move kasi stressful siya. Tinatawagan nila ako lagi, we're always communicating," sabi ni Rhian.

"One thing lang na I'm grateful for is pinakita sa akin ng quarantine na ito kung gaano kaimportante ang pamilya," dagdag niya.

Mapapanood si Rhian sa "Truly. Madly. Deadly" episode ng Kapuso drama anthology na I Can See You, kasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.--FRJ, GMA news