Para kay Margie Moran, si Miss Universe Philippines 2020 1st Runner-Up Ysabella Roxas Ysmael ang kaniyang "champion."

Sa kaniyang Instagram, inilahad ni  Moran, Miss Universe 1973,  ang kaniyang pagsuporta sa pamangkin na si Ysabella.

"The first runner up is my Champion. Ysabella Roxas Ysmael. You were a stand out but the purpose designed for you is greater than you can imagine," ani Margie.

"'A star does not compete with other stars around it. It just shines.' Matshona Dhliwayo. We love you for who you are," pagpapatuloy niya.

 

 

Si Rabiya Mateo ng Iloilo ang nagwaging Miss Universe Philippines 2020, na kinoronahan nitong Linggo.

Nabalot naman ng kontrobersiya ang paligsahan matapos na umalis si 2nd Runner Up Michele Gumabao habang tumatakbo pa ang kompetisyon.

Nag-post naman ang pambato ng Taguig na si Sandra Lemonon ng cryptic na Instagram Stories tungkol sa pageant.--Jamil Santos/FRJ, GMA News