Inihayag ni Liz Uy nitong Martes na engaged na sila ng kaniyang partner na si Raymond Racaza.

Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ni Liz ang suot niyang singsing.

"In all lifetimes, always a yes," saad ng celebrity stylist sa caption na may kasamang diamond ring emoji.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

In all lifetimes, always a yes ????

A post shared by Liz Uy (@lizzzuy) on

 

Dinagsa naman ng pagbati si Liz sa kaniyang comment section, kabilang na ang mga celebrity friends tulad nina Isabelle Daza, Solenn Heussaff, Bianca Gonzales, Kryz Uy, Nikki Gil, Rajo Laurel, at iba pa.

Mayroon nang isang anak sina Liz at negosyanteng si Raymond,  na pinangalanan nilang Xavi.

Nitong nakaraang Setyembre, ipinagdiwang ni Xavi ang ikatlong kaarawan niya.— FRJ, GMA News