Nakatakdang bumida sa isang project ang real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Ayon sa pamunuan ng GMA Artist Center, nakatakdang sumailalim sina Gabbi at Khalil sa swab test nitong Huwebes nang ianunsyo sa kanila ang balita.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#GabbiGarcia and #KhalilRamos just received a surprise! We wonder what it could be? ???? Stay tuned!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Ayon pa sa talent arm ng Kapuso Network, isa itong series, pero wala pang mga karagdagang detalye.

Matatandaang pumirma na ng kontrata sa Kapuso Network si Khalil nito ring Oktubre.

Isa si Gabbi sa kaniyang mga pinasalamatan para hikayatin siyang pag-igihan pa ang kaniyang sarili.

Nagkatambalan na sina Khalil at Gabbi sa pelikulang "LSS," na nakatanggap ng mga parangal sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. —LBG, GMA News