Nasorpresa ang real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos matapos ianunsyo sa kanila na magtatambal sila sa isang Kapuso mini-series.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing parehong excited at masaya sina Khalil at Gabbi matapos pumira ng kontrata si Khalil sa GMA Network nitong Oktubre.

Inilahad ng magkasintahan na matagal na nila itong ipinagdarasal.

"I'm super happy that Khalil is now with us here in GMA. And I am more than happy to be announcing na magkasama kami sa first show ni Khalil so super thankful and super grafeful talaga," sabi ni Gabbi.

Sinorpresa sina Khalil at Gabbi nitong Huwebes, kung saan health protocol ang alam nilang ipinunta nila sa Kapuso Network. Bago nito, may shooting kasi para sa millenial magazine show ni Gabbi na "In Real Life" na guest si Khalil.

"'Yung kaninang sinet-up nila after the swab, mag-spiels kami..." kuwento ni Khalil.

"BTS [behind the scenes] daw. We went to GMA for swabing lang talaga kaya wala akong ayos, nakatsinelas lang ako," ani Gabbi.

Pero bigla silang pinatayo para mag-spiels sa harap ng camera.

"Nagtaka ako noon na, bakit envelope 'yung spiel? Eh 'di ba usually sasabihin lang naman kung anong spiel tapos gagawin namin. So medyo nagtaka na ako tapos pagbukas ko, may parang poster na sa loob. As in 'yung reaction talaga namin ni Khali was so raw kasi we had no idea talaga," sabi ng Kapuso actress.

"Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Seryoso ba 'to?" natatawang sabi ni Khalil.

"Parang, pina-prank niyo ba kami?" dagdag ni Gabbi.

Itinuturing ng real-life couple na bagong pagkakataon ang proyekto para maka-inspire sila ng mga katulad nilang millenials.

"Parang nahawa ko siya doon sa mentality ko na gusto naming magkuwento ng magandang mga istorya through roles that really are very entertaining and may mensahe," sabi ni Khalil.

Hindi na nagdetalye pa sina Gabbi at Khalil tungkol sa kanilang project, pero sinabi nilang gagamitin nila ang natitirang buwan ng 2020 para paghandaan ang taping sa ilalim ng "new normal."

"Flex-worthy" naman aniya ang pagka-supportive ng boyfriend ni Gabbi sa kabila ng dagdag-hamon.

"If ever I need help, si Khali is always there to help me. Kasi mas matagal siya sa industriya kesa sa akin. Mas madami siyang films na nagawa kesa sa akin so sometimes I ask advice or help from him. That's how we work together talaga. Give and take," sabi ni Gabbi.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News