Certified "Plantita" na rin si Bianca Umali matapos niyang madiskubre ang hilig niya sa mga halaman. Nagsimula raw ito nang may magregalo sa kaniya ng halaman na tinanggihan pa niya noong una.

Sa Kapuso Showbiz News, ikinuwento ni Bianca na ito ang isa sa kaniyang mga pinagkaabalahan noong magsimula ang quarantine.

"Isa po diyan ang pagiging Plantita. Actually I think 'Plantlola' na ako. Oo may mga apo na," saad ni Bianca.

"Actually nag-start na ako mag-propagate ng sarili kong plants," dagdag pa niya.

At dahil quarantine kung saan inabisuhan ang mga tao na manatili muna sa kani-kanilang mga tahanan, nag-isip daw si Bianca ng bagong mapagkakaabalahan.

"So siyempre dumating ako doon sa point na iniisip ko na parang kailangan kong maka-discover ng something new. Na-feel ko na parang naging paulit-ulit 'yung mga araw ko. So I wanted to do something na maka-discover ako ng bagong hobby," kuwento niya.

Nagsimula raw ito nang may isang tao na nagpumilit na regaluhan siya ng halaman.

"And then sumakto na someone wanted to send me a plant as a gift. Actually matagal na 'yon pero hindi ko lang tinatanggap muna kasi hindi ko pa naman nadi-discover 'yung love ko for plants. But then eventually, gusto pa rin niyang ibigay sa akin so tinanggap ko and then du'n na nag-start," ayon sa aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

thank U, ♥?

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

 

"Dumami na sila nang dumami nang dumami nang dumami," saad ni Bianca.

Bukod kay Bianca, certified Plantito at Plantita rin ang iba pang celebrities na sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, at Gabbi Garcia.--FRJ, GMA News