Pinusuan ng maraming netizens ang cute na video ng pakikipaglaro ni Baby Tali sa kaniyang amang si Bossing Vic Sotto ng larong "Jack en Poy."

Hindi pinalampas ni Pauleen Luna ang pagkakataon na makunan ang bonding moment ng kaniyang mag-ama, na pinost niya sa Instagram.

Sa video, makikita na kaya na ring makipagsabayan ni Baby Tali sa classic na laro ng mga batang Pinoy.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sino matalo, siyang PUNGGOY??? ????????????

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

 

Dumagdag pa sa nakakatuwang video nang si Baby Tali rin mismo ang nagsabi ng "Great job!" sa kaniyang ama matapos mag-Jack en Poy.

Sa kasalukuyan, umabot na ito ng halos 80,000 likes. --Jamil Santos/FRJ, GMA News