Sa kabila ng pandemya, gumawa ng paraan ang ilang celebrity moms at dads para maipagdiwang pa rin ang Halloween ngayong taon at mapasaya ang kanilang mga anak.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong Sabado, makikita ang intimate Halloween party na isinagawa nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna para sa anak nilang si Baby Tali at mga kaibigan nito.

Gumawa pa sila ng set-up na may mga disenyong creative pumpkin, ghost at mga gagamba.

Nagpa-piñata si Bossing Vic at nag-agawan naman ang mga bata, habang naka-costume bilang si Belle si Tali.

ADVERTISEMENT

Prinsesa rin ang dating ni Zia nang mag-costume siya bilang si Jasmine ng Disney.

Kuhang kuha niya si Jasmine mula sa kaniyang buhok hanggang sa kaniyang midriff blue top.

Si Baby Alana naman nina Drew Arellano at Iya Villana, cute sa kaniyang alimango costume.

Effort naman ang pamilya nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa kanilang “Alice in Wonderland” look.

Kuhang kuha ni Scarlet Snow ang pagiging Red Queen, samantalang si Dra. Vicki naman si Mad Hatter at si Hayden ang Knave of Hearts.

Creepy at scary din ang costumes nina Baeby Baste, at Ryzza Mae Dizon sa kaniyang zombie-corpse look.

Harley Quinn naman si Ayesha sa kaniyang costume at nag-decorate si Yasmien Kurdi ng Halloween sa kanilang bahay. – Jamil Santos/RC, GMA News