Ni-repost ni Ina Feleo ang screengrab ng kaniyang ghost character sa sitcom na "Daddy's Gurl" na nag-viral sa social media dahil sa "kakaibang" napansin ng mga manonood--may face shield ang multo.

Sa Instagram account ng Kapuso, makikita ang naturang larawan at nilagyan niya ng caption na, "Happy Halloween! Nag-viral nang dahil sa face shield [laughing emoji with tears]."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Halloween!???????????? Nagviral nang dahil sa faceshield????

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo) on

 

Sa naturang episode ng naturang sitcom na "Daddy's Gurl" nitong nakaraang Sabado, nakita ni "Matilda" [karakter ni Wally Bayola] ang multong karakter ni Ina habang naglalakad at nakaputing kasuotan.

Pero inakala ni Matilda na naka-Halloween costume lang si Ina. Kaya binigyan niya ng extra na face shield si Ina bilang proteksiyon laban sa COVID-19.

Walang kaalam-alam ang multong karakter ni Ina kung para saan ang face shield. Pero isinuot pa rin niya ito at naging viral dahil nakakita ang mga manonood ng multong naka-face shield.

Ang "Daddy’s Gurl" ay isang lingguhang comedy show na napapanood sa GMA na pinagbibidahan ni Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza, Oyo Sotto, at Wally.

Sa Halloween episode ng programa, si Ina ay isa sa mga guest star. — FRJ, GMA News