May matinding balitang inihatid nitong weekend si Willie Revillame sa kaniyang programang "Wowowin-Tutok To Win" nang ipakilala niya ang bumibisita sa kaniyang batikang direktor na si Bobot Mortiz.  Kung ano iyon, panoorin sa video na ito.

Sa episode ng "Tutok To Win" nitong Lunes, kinumpirma muli ni Kuya Wil na bahagi ng programa si direk Bobot bilang head of production.

Pangungunahan umano ni direk Bobot ang pulong tuwing Lunes kung sino ang magiging bisita at iba pang pakulo sa programa. --FRJ, GMA News