Puyat at pagod man, masaya naman si Rainier Castillo na alagaan ang bagong silang nilang baby na si Baby Stellar Quinn.

Sa Mars Pa More, ikinuwento ni Rainer na silang dalawa ng asawa niyang si Diane Quizon ang nakaisip sa pangalan ng kanilang bagong baby.

ADVERTISEMENT

"Sobrang nakakapuyat. Sobrang nakakabigla rin kasi araw-araw kaming puyat. 'Yung iba kasi sinasabi na 'Sabayan niyo sa pagtulog,' kaso hindi talaga kaya eh, hindi kaya eh," anang StarStruck Batch 1 alumnus.

"Kasi sila kapag pinainom mo ng gatas nakakatulog na agad. Eh siyempre sa age natin hindi naman tayo nakakatulog nang basta-basta. So mahirap," dagdag pa niya.

 

 

Inilahad naman ni Rainier ang paborito niyang parte ng pag-aalaga ng baby.

"Sa pagpapaligo medyo mahirap kasi parang nakakatakot. Pero pinakagusto ko 'yung pag-change ng diaper."

Na-"bingo" na rin daw si Rainier ng kaniyang anak habang pinapalitan niya ito ng diaper.

"Twice, twice, dalawang beses na! At saka solid, solid!" biro ng dating aktor.--FRJ, GMA News