Kung hindi siya nakapasok sa showbiz, inihayag ni Kyline Alcantara na pangarap niyang pumasok sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

"If you weren't a famous celebrity, what would you be up to right now?" tanong kay Kyline ng GMA Regional TV Early Edition.

"Siguro nasa school ako, at I will be going to be a part militar ng Pilipinas," sagot ng Kapuso Breakout Star.

Ipinaliwanag ni Kyline kung bakit gusto niyang maging bahagi ng militar.

"Boyish kasi akong type of human, boyish ako. And kasi buong buhay ko puro mga boy 'yung kasama ko."

Puro mga lalaki ang mga kapatid at pinsan ni Kyline kaya raw pinangarap niya na maging sundalo.

Samantala, nag-aalala rin si Kyline nang manalasa ang bagyong "Rolly" sa Bicol region dahil nasa Camarines Sur ang kaniyang pamilya.

Dahil sa lakas ng bagyo, naputol ang mga telekomunikasyon kaya hindi niya kaagad na-kontak ang kaniyang mga anak.

Pero napanatag din ang kalooban ni Kyline matapos na magpadala na ng mensahe ang kaniyang pamilya.--FRJ, GMA News