Sa pagsabak ni Kate Valdez sa virtual tambayan na "Hangout," isang fan ang nagtanong sa "Anak ni Waray vs Anak ni Biday" star kung ano ang kaniyang "deepest desire."

Sa naturang pakikipag-chikahan sa fans, inihayag ni Kate na naisipan niya ang kaniyang "deepest desire" ngayon lang panahon ng quarantine.

Ibinahagi rin ng aktres ang pangarap niya noon na maging flight attendant pero ngayon ay nais naman daw niyang i-explore ang isang propesiyon na may kinalaman sa pagsusuri ng ugali ng tao. Panoorin ang video.



--FRJ, GMA News