Isang nanay ang masuwerteng nanalo ng P1 milyon sa “Pera o Kahon” ng “Tutok To Win sa Wowowin,” kasabay na rin ng “11.11 Big Christmas Sale” ng Shopee.

Unang tinawagan ni Kuya Willie Revillame si Amy Malagum ng Cagayan de Oro, ngunit nakapanayam din niya ang nanay ng contestant na si Nanay Erlie, na gustong gusto siyang makita.

Namili naman si Amy sa letrang S at H kung anong kahon ang naglalaman ng P1 milyon, at S ang kaniyang napili.

Nang umabot na sa P200,000 ang perang alok, tila nataranta na si Amy kaya si Nanay Erlie na ang pinaglaro ni Kuya Wil.

Umabot pa ang alok ni Kuya Wil na perang P300,000, pero hindi na ipinagpalit ni Nanay Erlie ang kahon.

Nang buksan ang kahon, bumungad ang P1 milyong premyo para sa pamilya Malagum.

Si Nanay Erlie na ang pangatlong nanalo ng P1 milyon sa “Shopee Milyonaryo.”

Matatandaang nanalo rin ng P1 milyon ang isang babaeng nakasakay lang sa jeep at galing sa trabaho nang tawagan siya nitong Martes. – Jamil Santos/RC, GMA News