Balikan ang ilan sa napakaraming bistuhan at hindi malilimutang rebelasyon sa first season ng online talk show na "Just In" nina Paolo Contis at Vaness del Moral.

Kabilang na rito ang pagbahagi ni Michelle Madrigal sa kaniyang pagpalalagay ng breast implant sa edad na 18, at ang kaniyang mga napagtanto nang maging mommy na siya.

ADVERTISEMENT

Inihayag din ni Paolo na bukod sa hit movie na "Through Night and Day," may isa pa siyang pelikula na pumatok din sa Netflix na hindi rin siya ang orihinal na napili sa role na kaniyang ginampanan.

Alamin kung ano ang naturang pelikulang, at ang iba pang rebelasyon tulad ng mga hidden talent nina Tim Yap at Arnold "Igan" Clavio. Panoorin.

--FRJ, GMA News