Hindi rin nakaligtas sa hagupit ng bagyong "Ulysses" ang bahay ng aktor na si Gardo Versoza.

Simpleng saad ni Gardo sa caption ng larawang ipinost niya sa kaniyang Instagram account: "haaaaayyyyyy...our house."

Sa larawan, makikita na nawala na ang sahig sa ikalawang palapag ng bahay at may bahagi ng bubungan na nabaklas.

Gayunman, may napansin pa rin ang mga follower ng aktor sa larawan na nagpangiti sa kanila--isang asong nakasilip.

 

 

Sa isa pang post, nagpasalamat si Gardo sa kaniyang maybahay dahil naisalba nito ang kaniyang mga lumang larawan na tinawag niyang "priceless."

"Salamat #wifey sa pagsalba mo sa mga pictures na ito sa baha, im sure tuwang tuwa sa iyo si mommy ko in heaven, labyu shugs. ?#priceless," anang aktor sa caption.

 

 


Sa kabila ng nangyari, nagbigay naman ng pampa-good vibes si Gardo sa pamamagitan ng Tiktok dance habang naglilinis ng bahay.

"Life goes on cupcakes kahit gaano kasakit at kalungkot palaging iisipin na never tayong pababayaan ng PANGINOON at meron tayo mga cupcakes na magpapasaya at magpapa smile sa atin, kahit papaano, Amen," sabi ni Gardo.

 

 


--FRJ, GMA News