Sabi ni Kuya Wil, ito ang panahon para tulungan ang gobyerno, dahil ang gobyerno ay ang mismong mga tao.

ADVERTISEMENT

"Ito ang panahon na tulungan natin ang gobyerno, dahil ang gobyerno ay tayong lahat, ang mga tao ang gobyerno. Sama-sama tayo," saad niya.

"Sa totoo lang hindi ako nagmamagaling, wala akong balak na anumang posisyon o ano... hindi ko ho nasa isip 'yan," patuloy niya.

Ipinaliwanag niya na kaligayan niya at mga kasamahan niya ang pagtulong.

"Napakahirap na mayroon kang katungkulan sa gobyern dahil bawat galaw mo eh papansinin ka. Mas maganda na yung ganito po," pahayag pa ng TV host.

Giit pa niya, "Hindi ako nagmamagaling, hindi ako nagmamalinis, hindi ako nagyayabang. Gusto ko totoo lahat ng sasabihn ko at gusto ko nalalaman niyo." --FRJ, GMA News