Gagampanan nina Cherie Gil at Jon Lucas ang kuwento ng dalawang nag-iibigan na malaki ang agwat ng edad sa isa't isa sa ikatatlong anibersaryo ng "Tadhana."

"She's a very simple woman who owns an almost a rundown resort... she turns out to try to survive and keep the resort afloat dahil nga sa pandemya," kuwento ni Cherie sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras."

Dito makikilala ng karakter ni Cherie ang karakter ni Jon, na magpapaibig sa kaniya.

"He's quite a serious actor and willing to really delve into it. I'm looking forward, kaagad naman akong nagkaroon na ng magaan na connection sa kaniya," sabi ng beteranang aktres.

Bukod dito, naghahanda na rin si Cherie sa lock in taping para sa panibagong series na "Legal Wives."

Makakasama ni Cherie sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

"May mga bagay na kailangan ko talagang dalhin. Kape ko, 'yung kanin ko Adlai, hindi kasi ako nagra-rice ng white... Unan ko, kumot ko. Ang sad story lang hindi ko madala 'yung aso ko. Mga libro, computer,"

Miss na rin daw ni Cherie ang dalawa niyang anak na nasa New York.

"New York was in a complete lockdown, hindi sila masyadong makalabas so when things eased up, recently, hindi rin naman ako makapunta dahil mag-uumpisa na 'yung commitment ko. So I'm going December," sabi ni Cherie.

Sa Facebook post naman ni Jon, inihayag niya na isang karangalan na makatrabaho niya ang isang Cherie Gil.

Inilahad ni Jon na muntik pa raw siyang mapagalitan ni Cherie, para mailabas pa niya ang kaniyang galing sa eksena.

"Isang malaking karangalan ang makatrabaho ang isang Cherie Gil! Walang arte. Ibang-iba sa napapanood natin sa mga serye at pelikula. Pero siyempre pag eksena na, ibang usapan na 'yon," sabi ng aktor.

"Doon mo na makikita kung bakit hanggang ngayon nasa industriya siya. Napakagaling na artista. NAPAKABAIT! Kaya naman salamat po sa pagkakataon Tadhana GMA!" dagdag ni Jon.

 

My favorite scene! Muntik na ako mapagalitan, pero feeling ko pinipigilan niya lang para mailabas ko pa yung pwede kong...

Posted by Aljhon Lucas on Tuesday, November 17, 2020

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News