Nag-arkila ng isang truck sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na layon nilang punuin ng mga donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan.

Sa kani-kanilang mga Instagram, tinawag nila itong "StarTruck" na maaaring magdala ng "25 toneladang tulong" na donasyon.

Mula sa “Dream. Believe. Survive” ng StarStruck, naisip nina Dennis at Jen na gawin itong “Dream. Believe. Donate” para makahikayat ng mga tulong at muling makabangon ang mga taga-Cagayan.

 

 

"Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito, there's room for more donations!" sabi rin ni Jennylyn sa kaniyang Instagram.

"Wala pong maliit na tulong! YOUR HELP WILL GO A LONG WAY. [smiley]" dagdag pa ni Jen, na humingi ng suporta sa kanilang Litterbucks Cat Cafe business nina Dennis.

 

 

Matatandaang isinailalim sa state of calamity ang Cagayan noong nakaraang Sabado dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses at ang mga pagbahang idinulot nito.--FRJ, GMA News