Handa na si Alice Dixson na sumabak sa taping para sa upcoming Kapuso drama series na “Legal Wives.” Sa naturang serye, gagampanan ng aktres sa unang pagkakataon ang role bilang isang Muslim.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ni Alice maganda ang pagkakasulat ng istorya at naging interesado siya sa kultura ng mga Muslim.

"Ang ganda ng pagkasulat kumbaga it doesn't matter what religion you are. It all boils down to your family, the values that you have. Yung bang the love that you share," saad niya.

Sa Instagram post ni Alice kamakailan, ipinakita niya ang larawan niyang nakasuot ng puting hijab bilang karakter niyang si Almirah Macadato.

Sa serye, makakasama ni Alice sina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali at Cherie Gil, na pawang first time rin lang niya makakatrabaho.

Kasama rin sa serye sina Al Tantay, Shayne Sava, at Abdul Raman. --FRJ, GMA News