Levep-up na ang relasyon ng magkasintahang Rocco Nacino at Melissa Gohing.

Sa Instagram post ng aktor, ibinahagi ni Rocco ang magandang balita sa pamamagitan ng larawan nila ni Melissa na napaliligiran ng mga ilaw at bulaklak.

"And she said yes," saad ni Rocco. "I love you Forever @gohingmelissa."

 

 

Sa mga nakaraang panayam kay Rocco, inihayag niya na tumibay pa ang kanilang relasyon ni Melissa mula nang magkaroon ng community quarantine.

Kapwa nakahiligan ng dalawa ang pag-aalaga ng halaman.

Ipinagdiwang nila kamakailan ang ikatlong taong selebrasyon ng kanilang pagiging magkasintahan.--FRJ, GMA News