Ikinuwento ni Myrtle Sarrosa ang mapait at malungkot na istorya sa likod ng kaniyang single na "Heartbroken," na kakantahin niya sa virtual concert niyang "Still Love Me" sa Nobyembre 28.

"Nu'ng nagsimula kasi ako na magsulat ng songs, that was back in 2016, and nu'ng time na 'yun ang dami kong pinagdadaanan sa buhay and ang dami kong nahuhugot na inspirations from my personal experiences, pati 'yung mga experiences ng mga kaibigan ko," kuwento ni Myrtle sa Kapuso Showbiz News.

Inilahad ni Myrtle na may mabigat na pinagdaanan ang kaniyang co-writer para sa kanta niyang "Heartbroken."

"Sinulat namin siya dahil 'yung fiancé niya past away a few days before their supposed wedding."

"Tungkol siya sa na-heartbreak ka kasi you really thought na you're gonna have your happy ending with that person, and then suddenly, unforseen circumstances," anang Kapuso actress.

"So 'yung mga inspiration ko for the songs are storytelling ng mga nangyari sa 'yo and nangyari sa ibang tao na nakaka-relate 'yung ibang tao," sabi ni Myrtle.

 

 

--FRJ, GMA News