Nilinaw ng maybahay ni Gardo Versoza na hindi ang bahay nila, kung hindi ang ancestral house ng aktor ang winasak ng bagyong "Ulysses."

Matapos ang pagtama ng bagyo, nag-post si Gardo ng larawan sa Instagram ng isang bahay na wasak ang sahig at bubungan.

“Aaaaayyyyyy … our house,” saad ni Gardo sa caption.

ADVERTISEMENT

 

 

Sa ulat ng PEP.ph nitong Miyerkules, sinabi ng asawa ni Gardo na si Ivy na ang bahay sa larawan ay ancestral house, na malapit sa kanilang bahay.

Hindi na rin daw talaga maayos ang bahay bago pa man tumama ang bagyong "Ulysses."

“’Yung ancestral house nina Gardo, katabi lang ng bahay namin at for renovation talaga siya this December,” paliwanag ni Ivy.

“Ang post lang ni Gardo was, ‘haaaaayyyyy our house,’ kasi nga naka-ready na siya, andiyan na yung ibang mga materyales para sa renovation, tapos biglang bumagyo,” patuloy niya. --FRJ, GMA News