Ikinuwento ni Ina Raymundo kung paano niya nakilala ang kaniyang mister na si Brian Poturnak, na nahusgahan niya noong unang pakikita nila na "chubby" pero nagkamali siya.

"Noong unang date namin, although group date 'yun, akala ko sa kaniya 'yung tipong chubby. Kasi ang loose ng t-shirt niya tapos ang laki ng leeg niya, ang lapad. 'Wow, he kind of chubby,'" sabi ni Ina sa digital show na "Just In" na host si Paolo Contis.

Bagaman hindi niya naman hinuhusgahan noon sa pangangatawan ang mister, sinabi ni Ina na mas gugustuhin niya ang isang payat kaysa chubby kung papipiliin siya.

Ayon kay Ina, nalaman niyang hunk si Brian nang kunwaring mapatid siya at napahawak sa dibdib ng ka-date.

"Tapos one time na-touch ko 'yung body niya. Na-trip lang, 'Ay, wait!' Na-trip ako, pero style ko lang 'yun, gusto ko lang ma-check,'"natatawa niyang kuwento.

"'Yun pala 'Oh my gosh! Rock hard! Talagang 'yung body niya, 'yung abs niya sobra talagang feel na feel ko 'yung mga pandesal niya doon sa shirt niya. 'OMG, I judged you.' Akala ko talaga siya 'yung tipong soft and pudgy," dagdag pa niya.

"Wala na, naging boyfriend ko na siya," patuloy na masayang kuwento ng aktres. "Parehas kaming mababaw na tao 'no? Tipong na-attract kami sa physical appearance."

Gayunman, si Brian daw ang naghikayat kay Ina na pangalagaan ang kaniyang katawan at mag-workout.

"Siya 'yung dahilan 'yung bakit ako fit, siya talaga. Before I met him I was so unhealthy. As in super, tipong junk food 'yung pagkain ko palagi, I used to smoke a lot and I used to drink a lot. 'Yung tipong walang alaga sa katawan."

Pero mula nang mabuntis sa una nilang anak, itinigil na ni Ina ang kaniyang mga bisyo.

"Siya talaga 'yung nagpabago sa pananaw ko," kuwento ni Ina.--FRJ, GMA News