Masaya si Kuya Wil para sa mga sumusubaybay ng "Wowowin-Tutok To Win" dahil sa malaking papremyo sa pagbabalik ng "Pera o Kahon." Pero maging masaya naman kaya ang TV host para sa sarili matapos niyang makita ang suot na mamamahaling relo ng isang sponsor na matagal na raw niyang inaawitan.

Sa episode ng "Wowowin-Tutok To Win" nitong Huwebes, masayang ibinalita ni Willie na magkakaroon ng segment na "Pera o Kahon" bilang pamasko at pang-birthday niya.

Mayroon nang sumagot sa premyong house and lot, at naghahanap naman siya ng sponsor para masamahan ng P1 milyon cash ang ibibigay na jackpot.

Dito na niya tinawag ang isa sa mga sponsor ng programa na si Sam Versoza at pumayag naman na sagutin ang P1 milyong premyo para makatulong.

Nang tanungin ni Kuya Wil si Sam kung anong oras ito dumating, nakita niya ang relo ng sponsor na "Richard Mille" na umaabot sa mahigit P2 milyon ang pinakamurang halaga.

Magtagumpay kaya at maging masaya si Kuya Win na "maarbor" ang napakagandang relo? Panoorin ang video.

 

--FRJ, GMA News