Engaged na ang dating child star na si Katrina Legaspi, na kilala noon bilang si "Hopia."

Masayang ibinahagi ni Hopia ang engagement nila ng partner na si Ryan Jarina sa kaniyang Instagram.


"11/22/20 6 years together and forever! Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! I can't wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang!" saad niya sa caption ng mga larawan.

 

 

"Yey! Grabe Babe, na-surprise talaga ako, akala ko nung una 'di pa para sa 'kin 'yung proposal! Hahaha!" patuloy ni Hopia.

Inihayag din niya ang pasasalamat kay Ryan na itinalaga para sa kaniya.

"Thank you Lord for giving me my destined partner. It's worth the wait talaga! I love you, fiancé! Yes, fiancé na," sabi pa ni Hopia.

 

 

Dating miyembro ng isang sketch comedy TV show si Hopia at ngayon ay mayroon siyang YouTube vlog na "Hello Hopia." —FRJ, GMA News