Nakatanggap ng mga parangal ang ilang Kapuso programs at personalities sa 2020 Platinum Stallion National Media Awards.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing ginawaran ng Trinity University of Asia bilang Female News Personality of the Year si Jessica Soho para sa State of the Nation with Jessica Soho.

Natanggap naman ng "24 Oras" ang Best News Program, samantalang nakuha ng GMA News and Public Affairs ang Best COVID-19 TV News Coverage.

Tinanggap naman ng "Nang Tumigil Ang Mundo" ng Atom Araullo Specials ang Best Documentary on COVID-19, at nakuha ng "Wish Ko Lang" ang Best Public Service Program for Television.

Pinarangalan ang "Unang Hirit" bilang Best Morning Show, at ang "Eat Bulaga" bilang Best Noontime Show.

Best Regional TV Station ang GMA Regional TV Network sa ika-apat na pagkakataon.--Jamil Santos/FRJ, GMA News