Sa programang "Wowowin-Tutok To Win," inihayag ni Kuya Willie Revillame ang paghanga niya para kay Joaquin "JD" Domagoso na anak ni Mayor Isko Moreno matapos niya itong makita sa isang restaurant.

Ayon kay Kuya Wil, magalang at mabait na bata si JD kaya sinaluduhan niya rin si Mayor Isko sa maayos na pagpapalaki sa anak.

Dahil dito, inimbitahan ni Kuya Wil si Joaquin na mag-guest sa kaniyang programa.

Mapapanood din si Joaquino sa upcoming Kapuso series na "First Yaya," na pangungunahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.--Jamil Santos/FRJ, GMA News