Matapos kaaliwan at hangaan noon dahil sa kani-kanilang viral videos, kumusta na nga ba ngayon sina Pabebe Girls, si Badjao Girl at ang magkapatid na Bilog at Bunak?

Sa programang "Brigada," sinabing taong 2016 nang pagkaguluhan at hanggaan ng netizens ang mga larawan ni Rita Gaviola, na binansagan noon bilang si "Badjao Girl" dahil sa natural niyang kagandahan.

Marami naman ang natuwa sa tila aso't pusa na awayan ng magkapatid na sina Bilog at Bunak noong 2017.

Gusto sanang kumanta ni Bilog para ma-post niya ito sa social media, nang makisingit sa video si Bunak. Hindi ito nagustuhan ni Bilog, hanggang sa mauwi ang magkapatid sa paluan.

Kinagiliwan din ang "Pabebe Girls" na sina Michelle Alfonso at Janet Ricabo na tumatak dahil sa linyang "Wala makakapigil sa 'min!"

Balikan ang kanilang mga istorya, at alamin kung ano na ang kanilang mga buhay ngayon. Panoorin ang video. --Jamil Santos/FRJ, GMA News