Maraming Pinoy ang nangangarap na makita nang personal ang kanilang mga paboritong Korean stars. Pero sina Cherish Maningat at Nash Ang, hindi lang nakita ang ilang sikat na Korean artists kung hindi nakatrabaho pa.

Papaano nga ba nakasama sa ilang Korean drama sina Cherish at Nash, at kumusta naman kayang makatrabaho ang mga sikat na Korean actors tulad nina Lee Sung Kyung at Song Joong-ki?

ADVERTISEMENT

Tunghayan ang kanilang mga kuwento sa episode na ito ng Brigada at ang hindi nila malilimutang karanasan na makasama ang mga sikat na Korean celebrity.

--FRJ, GMA News