Sobrang saya ang Pasko ng Kapuso star na si Glaiza de Castro.

Sa Facebook post nitong Huwebes, ibinahagi ni Glaiza ang larawan na suot niya ang isang diamond ring kasama ang Irish BF na si David Rainey habang nasa isang romantikong lugar sa Irland.

ADVERTISEMENT

“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather … it just felt right,” saad ng aktres.

 

 

Nasa Ireland ngayon si Glaiza para doon ipagdiwang ang Pasko kasama ang nobyo at pamilya nito.

Ilang buwan naman nanatili sa bansa si David nang abutan ng lockdown sa Pilipinas.– FRJ, GMA News