Isa na ring associate director si Sunshine Dizon para sa isang series, at makakasama rin niya ang original cast ng "Encantadia."

Sa Star Bites report ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing magiging abala si Sunshine sa off-cam bilang bahagi ng kaniyang pagiging associate director.

Makikita naman sa kaniyang IG na naka-tag ang original cast ng hit fantaserye, na sina Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri.

 

 

Sa ulat ng naman ng "Unang Hirit," sinabing "B-And-B: The Battle Between Brody and Brandy" ang title ng series.

Sa ilalim ito ng Sang-gre Productions, Inc., isang production house ng "Encantadia" director na si Mark Reyes kasama ang apat na orihinal na mga Sang'gres.

Inihayag ni direk Mark Reyes ang kaniyang pagiging proud na proud kay Sunshine.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News