Bilang team captain ng Philippine men's national volleyball team, inaasam ni John Vic De Guzman na makuha ng Pilipinas ang kampeonato sa 2021 Southeast Asian Games (SEA Games).

“Well, 2021, hindi pa rin po natin masasabi kung magiging normal na ang lahat. Unang una, siyempre sa volleyball industry, kung matutuloy po ang SEA Games talaga pong kailangan natin paghandaan kasi siyempre galing tayo nu'ng 2019 sa silver,” sabi ni John Vic sa panayam sa kaniya ng GMA Network.

“Ang goal po namin this year, makakuha naman tayo ng championship trophy," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Matatandaang nag-second place ang Philippine men's national volleyball team matapos matalo ng Indonesia sa PhilSports Arena sa Pasig City noong 2019.

Bago nito, tinalo ng Pilipinas ang four-peat champion Thailand sa semifinals.

Ngayong Kapuso na, goal din ni John Vic na mabalanse ang kaniyang pagiging atleta at pagiging aktor.

"And 'yung sa acting side naman po, kung mabibigyan ako ng mga projects, kailangan ma-balance ko siya, 'yung paglalaro 'tsaka 'yung pag-acting dahil talagang hindi po magiging madali for me,” sabi ni John Vic.

“Alam naman natin na kung masaya ka sa ginagawa mo, mae-enjoy mo rin,” dagdag niya.

Isa si John Vic sa mga mapapanood na heartthrobs sa upcoming Kapuso series na "Owe My Love."

“Every time na may nadi-discover ako, let's say acting, dancing, ganiyan, gusto ko rin po talaga ma-enhance siya para tumagal tayo rito sa showbiz side na may chance tayo na maipamalas 'yung talent natin not just for playing volleyball but for acting, singing, at dancing,” saad niya. —Jamil/Santos/KG, GMA News