Hindi makapaniwala si Kate Valdez na siya ang napiling modelo para sa bida ng upcoming horror comic book ng Filipino-American journalist na si Mikey Sutton.

"Actually po wala talaga akong idea na ako 'yung gagawing inspiration niya roon sa gagawin niyang character. Na-surprised ako na bakit ako 'yung pinili ni sir Mikey Sutton sa dinami-raming mas magagaling na actors," sabi ni Kate sa GMA Regional TV Early Edition.


  
Dahil dito, labis ang tuwa ni Kate na may pagtataka sa pagkakapili sa kaniya.

ADVERTISEMENT

"I'm blessed and proud na ako 'yung pinili niya. I'm so wondering kung anong nakita niya sa akin and bakit ako 'yung ginawa niyang inspiration doon sa character," sabi pa ng Kapuso actress.

Una rito, inilahad ni Mikey na napili niya si Kate matapos niya itong mapanood sa "Onanay" na pinapanood din ng kaniyang ina.

“I went outside and she’s watching ‘Onanay’ and I don’t like soaps and I saw Kate and I was like, ‘who's that? Who's that girl?’” sabi ni Mikey.

“That's the character that I’m picturing in my head. I didn’t even know what she’d look like and that’s her. That’s gotta be her,” dagdag pa ng journalist.

Bukod dito, itatampok din sa comic book ang mga illustration ng GMA lead visual designer na si Noel Layon Flores.--FRJ, GMA News