Hindi lang food adventures, kundi may elemento rin ng time travel ang bagong offering ng GMA Public Affairs series na "The Lost Recipe."

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing bida sa kauna-unahang pagkakataon sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Dumaan pa sina Mikee at Kelvin sa culinary training bago sila sumabak sa taping.

Tatalakayin din ang history at culture sa serye.

Sa kaniyang Instagram, nag-post na si Kelvin ng teaser ng The Lost Recipe.

Makikita na nag-time travel ang karakter ni Kelvin para mahanap sa nakaraan ang isang recipe, na magdadala sa kaniya sa tagumpay sa kasalukuyang panahon.

Magsisimula na ito sa Enero 18 sa GMA News TV.

 

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News