Ipinasilip na ang bagong trailer ng inaabangang GMA live action remake ng "Voltes V Legacy." Mahulaan na kaya kung sino ang gaganap na Steve?

Mas maaksyon ang bagong trailer ng Voltes V na may patikim din ng pakikipagbakbakan ni Steve at madidinig din ang markadong sigaw na "let's volt in!"

Ang fans, may kani-kanilang huli kung sino ang gaganap na Steve.

Nitong nakaraang Disyembre, nag-post ng ilang larawan si Direk Mark Reyes na pasilip ng mga magiging cast ng naturang anime series.

Wala pang official date kung kailan ipapalabas ang Voltes V at sino-sino ang miyembro ng cast nito.—FRJ, GMA News