Inilahad ni Faye Lorenzo na gusto niyang makapareha ang hot leading men ng Kapuso Network, katulad nina Alden Richards at Derrick Monasterio.

“Gusto ko rin maging leading man si Alden (Richards) kung bibigyan ng pagkakataon. Why not, 'di ba?” sabi ni Faye nang makapanayam ng GMA News Online tungkol sa kaniyang mga gustong makatrabaho.

Gusto rin ni Faye na maging leading man si Derrick, kasabay ng paglilinaw ng sexy Kapuso actress na kahit sinong aktor ang ipareha sa kaniya ay okey naman.

“Kahit sino yung itatambal, okay naman. Hindi naman [ako] namimili,” saad ng "Bubble Gang" babe.

Inilahad din ni Faye ang plano niyang gawin sa darating na Valentine's Day.

“Plano ko talaga ngayon is mag-work. Parang love life... hindi na muna,” sabi ni Faye.

Bahagi rin si Faye ng pinakabagong GMA Public Affairs offering na "The Lost Recipe," kung saan gaganap siya na isang chef.--Jamil Santos/FRJ, GMA News