Inihayag ng Japanese singer ng "Voltes V" theme na si Mitsuko Horie ang kaniyang paghanga sa bagong teaser ng "Voltes V: Legacy" ng Kapuso Network, pati na rin sa patuloy ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa sikat na anime series.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, ipinakita ang tweet ni Mitsuko sa Nihongo, kung saan sinabi niyang gusto niyang muling kantahin ang theme song ng Voltes V matapos mapanood ang teaser.

"It seems that popular Voltes V is still evolving in the Philippines! It is amazing! Watching it makes [me] want to sing!" saad ni Mitsuko sa tweet.

"And above all, I am glad that everyone in the Philippines loves [Voltes V] and loves me," dagdag ni Mitsuko.

Sa kaniya ring tweet, pinost ni Mitsuko ang link ng bagong teaser ng inaabangang GMA live action remake na Voltes V: Legacy. – Jamil Santos/RC, GMA News