Inihayag ni Camille Prats na hindi pa rin siya makapaniwalang nagbibinata na ang panganay na anak na si Nathaniel Caesar o Nathan nang ipagdiwang nito ang ika-13 kaarawan.

"Whaaaat?!?! 13?!?! Noooo!!!  my heart is still not ready to admit you're 13!! Happy happy birthday my love!!" pagbati ni Camille kay Nathan na nagdiwang noong Enero 24.

 

 

Itinuturing ng "Mars Pa More" host na biyaya ang kaniyang panganay at inihayag suporta para sa anak.

"Wow, it has been 13 years since the day I received such a beautiful gift. I loooove you! We are soooo proud of you kuya. Keep being you and keep being awesome! I know I know.. no cheesy messages coz you're binata naaaa  i love you with allll my heart my sweet boy."

Anak ni Camille si Nathan sa yumaong unang asawang si Anthony Linsangan.

Mayroon namang dalawang anak si Camille sa kaniyang mister ngayon na si VJ Yambao na sina Nala Camilla at Nolan Cristiano.--Jamil Santos/FRJ, GMA News