Inihayag ni Meryll Soriano sa isang post ang kaniyang short pero sweet na mensahe sa kaniyang ama na si Willie Revillame na nagdiriwang ng ika-60 nitong kaarawan ngayong Miyerkoles, Enero 27.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Meryll ng larawan ni Willie, na tila malayo ang tingin mula sa isang patio habang gamit ang payong ng "Wowowin."

"60. Happy Birthday, Papa! I love you. We love you," caption ni Meryll.

 

 

Dating nang inihayag ni Willie sa kaniyang programang "Wowowin-Tutok To Win" ang kasabikan niya na maging isang "senior citizen," at nagbibiro pa na makakakuha na rin siya ng mga discount at mga prebilehiyo para sa mga nakatatanda.


Kamakailan lang, nagkaroon ng bagong apo si Willie nang iluwal ni Meryll ang anak nila ni Joem Bascon.

Sa ika-60 taong kaarawan ni Willie, patuloy naman siyang mamimigay ng mas malalaking papremyo sa kaniyang programang "Wowowin-Tutok To Win."--Jamil Santos/FRJ, GMA News