Natupad ang isa sa mga hiling ni Richard Yap na makatrabaho niya si Michael V. sa Kapuso Network.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing magiging guest si Richard sa comedy-series na Pepito Manaloto sa darating na Sabado.

Makikita naman ang ilang behind-the-scenes ni Richard sa show kung saan naka-eksena niya sina Jessa Zaragoza at Jen Rosendahl, na bahagi rin ng cast.

Sa paglipat niya sa Kapuso Network, sinabi ni Richard na comedy ang isa sa mga gusto niyang gawin at makatrabaho ang comedy genius.

"Siguro... I've been following Bubble Gang for a long time, ever since I was how many years ago was that...so Michael V. is one of the male actors that I would like to work with," sabi ni Richard. —LBG, GMA News