Sa kaniyang pagbisita sa Ireland, ibinahagi ni Glaiza de Castro ang mga magagandang tanawin doon na pupuwedeng i-enjoy ng mga turista.

Isa na rito ang Ards Forest, na mailalarawan ni Glaiza na “magical” dahil maganda ang lugar para sa jogging o running.

Malapit ang tirahan ng kaniyang fiancé na si David Rainey sa dagat kaya may pagkakataon din silang mag-surf sa Marble Hill.

Matatandaang engaged na si Glaiza kay David nitong Disyembre, nang lumipad ang Kapuso actress para ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya ng kaniyang nobyo. – Jamil Santos/RC, GMA News