Inihayag ni Jackie Lou Blanco na nahihirapan siyang magseryoso kung minsan bilang kontrabida sa Kapuso series na "Owe My Love" lalo na kapag eksena niya ang mahuhusay na Kapuso comedians.

"Ang dami-daming mga magagaling na comedian na kasama namin. Even Lovi (Poe), even Benjamin (Alves) and Winwyn (Marquez)," sabi ni Jackie Lou sa At Home with GMA Regional TV.

"We all feel the same na we are surrounded by such good comedians like Tita Nova Villa, AiAi delas Alas, Leo Martinez, Pekto, Gene Padilla," patuloy niya.

"Ang dami-dami 'di ba? Minsan it's so hard to keep a straight face kapag umaarte ka kasi matatawa ka talaga," dagdag ni Jackie Lou.

Gaganap si Jackie bilang si Divina Advincula sa serye at sidekick niya si "Mini Divi," na ginagampanan ang isa pang nakatutuwang komedyante na si Mahal.

"It's such a refreshing teleserye to do. Lalo na ako dahil most of the things I do are drama. Actually ito, at least something light. Kontrabida pero nakakatawa kasi may sidekick ako," anang aktres.

Ayon kay Jackie, tinatalakay din ng programa ang tamang pagba-budget o paghawak ng pera.

"It's good because it's tackling the issues na nangyari sa atin during the pandemic. We realized na dapat nag-ipon ka, sana meron kang naitabi. This is a teleserye that will remind you of what you need to do, and if it's something that you already know then you continue to do," paliwanag niya.

Mapapanod ang "Owe My Love" simula sa Pebrero 15 sa GMA Telebabad.--FRJ, GMA News