Kabilang si Pauline Mendoza sa maraming masigasig na working student sa bansa. Ang Kapuso star, nagbigay ng tips at inspirasyon para mababalanse ang pag-aaral at pag-abot sa pangarap.

"'Yung tip or advice na maibibigay ko is really focus on what you want. Focus on your dreams, hopes and your goals. Kung meron kayong naririnig na negative or may napi-feel kayong negativity inside of you, huwag niyong intindihin 'yon," sabi ni Pauline sa GMA Regional TV Early Edition.

"Just stay focused, that's what I'm doing, I'm really focused on what I want, what I want to achieve. And actually, it motivates me," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Inamin naman ni Pauline na naging busy ang kaniyang schedule sa pagpasok ng 2021.

"I'm doing good, 'yung 2021 ko and pagpasok nito, talagang busy pa rin kasi pinagsasabay ko ang studies ko and at the same time, I'm being an actress, I'm doing tapings," sabi niya.

Bibida si Pauline sa upcoming Kapuso series na "Babawiin Ko Ang Lahat" na maituturing niyang biggest break ng kaniyang career.

Pinagpapatuloy pa rin ni Pauline ang kaniyang pag-aaral sa taping, kasama si Therese Malvar na kaniyang roommate at co-star.

Kasalukuyang naka-enroll sina Pauline at Teri, gumagawa ng kani-kanilang school requirements, at dumadalo ng online classes. --FRJ, GMA News