Ibinahagi ni Vin Abrenica ang kaniyang pagkatuwa sa mga komento ng netizens na napansin ang tila sobrang kaputian ng balat ng kaniyang fiancé na si Sophie Albert.
Matatandaang inanunsyo nina Sophie at Vin noong Pebrero 13 na engaged na sila, kung saan ibinahagi ni Vin sa Instagram ang engagement ring na isinuot niya sa kaniyang nobya.
Hindi naman maiwasan ng netizens na mapakomento tungkol sa napakaputing kamay ni Sophie.
Kaya naman sa isa pang post, ibinahagi ni Vin ang kaniyang pagkatawa sa napansin ng netizens.
"What's the commotion all about? We love and appreciate all your warm and sweet greetings!" saad ng aktor.
"Di ko maiwasang makita yung reactions and comments sa kamay ni @itssophiealbert kesyo sinasabi na
A. Sobra sa gluta
B. Anong brand ng sabon/lotion niya
C. Anemic
D. Kamay ng Vampire
E. Kasama sa Adam's Family at iba pa."
"San ba banda dito ang Maputi? Hindi naman halata ????????????
#NoFilter" tila sarcastic na tanong ni Vin, kung saan makikita sa larawan ang glowing skin ng kaniyang fiancé.
Na-engaged sina Sophie at Vin noong Disyembre 12, 2020.
Matapos ang pag-anunsyo, inilahad naman ng dalawa na inaasahan na nila ang kanilang unang anak.
Walong taon nang magkarelasyon sina Sophie at Vin.—Jamil Santos/AOL, GMA News
