Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makatatanggap ang mga minimum wage earner sa Northern Mindanao at Caraga ng mas mataas na sahod simula Biyernes, Mayo 1, 2026, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
Ang pagtaas sa sahod ay kasunod ng pagpapatupad ng ikalawang tranche ng wage adjustments.
Sa Northern Mindanao, nagdagdag ang ikalawang tranche ng P14.00, kaya naman tumaas ang bagong arawang minimum wage sa P500 mula sa P485.
Ang unang tranche, na ipinatupad noong Enero 16, 2026, ay nagtaas ng minimum wage ng P25.00, mula P471 patungong P486.
Sa Caraga naman, umabot sa P475 ang arawang minimum wage matapos ipatupad ang ikalawang tranche na nagdagdag ng P20.00. Noong Enero 3, 2026, ang unang tranche ng dagdag din ng P20.00 sa sahod para maging P455.
Nitong Huwebes, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring magdesisyon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Capital Region (NCR) hinggil sa mga nakabinbing petisyon para sa taas-sahod pagsapit ng Hulyo.
Kabilang dito ang mga petisyong humihiling ng P1,200 na arawang minimum wage, gayundin ang mga nagtutulak ng P500 na dagdag na sahod.
Ayon kay DOLE spokesperson at Assistant Secretary Lennard Serrano, ang mga RTWPB ang nagtatakda at naglalabas ng wage orders sa kani-kanilang rehiyon. Nagsisimula rin silang suriin ang kanilang mga wage order 60 araw bago ang anibersaryo ng paglabas ng kautusan.
Nagkakaiba-iba ang minimum wage sa bawat rehiyon ng bansa.
Nakasaad sa Article 122(b) ng Labor Code of the Philippines, na ang mga RTWPB ang may tungkulin na, “to determine and fix minimum wage rates applicable in their regions, provinces, or industries therein, and to issue the corresponding wage orders,” alinsunod sa mga alituntuning itinakda ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).
Ayon sa NWPC, sinusunod ng mga regional board ang ilang pamantayan sa pagtatakda ng minimum wage, na kinabibilangan ng:
- Pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya
- Kakayahang magbayad
- Maihahalintulad na sahod at kita
- Pangangailangan sa economic and social development
Narito ang listahan ng arawang minimum wage sa buong bansa hanggang nitong Mayo 1, 2026, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa:
- NCR: P658–P695
- Region III (Central Luzon): P515–P600 (in tranches)
- Region IV-A (CALABARZON): P508–P600 (in tranches)
- Region VI (Western Visayas): P520–P550
- Region XI (Davao Region): P525–P540 (in tranches)
- Region VII (Central Visayas): P500–P540
- Cordillera Autonomous Region: P505
- Region I (Ilocos Region): P480–P505
- Region II (Cagayan Valley): P500Region X (Northern Mindanao): P485–P500 (in tranches)
- Region V (Bicol Region): P480 (in tranches)
- Region XIII (Caraga): P475 (in tranches)
- Region VIII (Eastern Visayas): P440–P470 (in tranches)
- Region IX (Zamboanga Peninsula): P451–P464
- Region XII (SOCCSKSARGEN): P443–P460 (in tranches)
- Region IV-B (MIMAROPA): P455
- BARMM: P366–P411
Sahod ng Kasambahay
Narito naman ang monthly minimum wage para sa domestic helpers o kasambahay sa bawat rehiyon ng bansa:
- NCR: P7,800
- Region IV-B (MIMAROPA): P7,000
- Region VII (Central Visayas): P7,000
- Region IV-A (CALABARZON): P6,750
- Region I (Ilocos Region): P6,700
- CAR (Cordillera Administrative Region): P6,600
- Region II (Cagayan Valley): P6,500
- Region III (Central Luzon): P6,500
- Region VI (Western Visayas): P6,500
- Region X (Northern Mindanao): P6,500
- Region XI (Davao Region): P6,500
- Region XIII (Caraga): P6,500
- Region V (Bicol Region): P6,000
- Region XII (SOCCSKSARGEN): P6,000
- Region VIII (Eastern Visayas): P5,800–P6400
- BARMM: P5500
- Region IX (Zamboanga Peninsula): P5000–P5500
— Sundy Locus/FRJ GMA News

