Binalikan ng aktor na si Jao Mapa ang pagsisimula niya sa showbiz, lalo na nang bumida siya sa commercial ng isang soft drinks na nagpasikat sa kaniya noong 90s.

Sa online talk show na "Just In," binalikan ni Jao na nakatambalan pa niya sa isang pelikula si Donna Cruz sa ilalim ng Viva Films.

Naging bahagi rin si Jao ng ilang sitcom at variety shows sa ibang estasyon, pati na rin sa Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT

Pero tumatak sa mga tao noong dekada '90 ang soda commercial ni Jao, kung saan tumalon siya sa mga kotse para maikuha ng soda ang babaeng bumisita sa kaniyang bahay.

Ayon kay Jao, kinunan ang eksena sa India.

"We shot in India, I stayed there for nine days," sabi niya.

"I remember the director said, 'To all the extras there, all the actors..." they were all having bigote, kasi mga Indian nga. So galit na galit 'yung director ko sabi niya, 'Hey all of you, you shave your mustache. You're supposed to be in the Philippines, not in India," kuwento ni Jao.

"In demand! Sobrang in demand ka noon..." komento ng host na si Vaness del Moral.

"That was back then," mapagkumbabang sagot naman ni Jao.

Alamin ang role na gusto pang gampanan ni Jao at ano ang masasabi niya sa dati niyang grupong "Gwapings!"-- FRJ, GMA News